Ang Alamat ng Kalabasa

Isang araw, sa bayan na kung tawagin ay Habananas, may nakatirang magkaibigang walang magawa. Sabi ng isa, “Nagugutom ako.” Sabi ng isa pa, “E di kumain ka. Problema ba yun?” Tumayo ang nauna at sinabing, “Oo nga no? Tama. Kakain ako.”

Lumabas ang taong gutom upang maghanap ng makakain. Naglakad ito nang malayo. Naglakad sya nang naglakad. Pagod na sya at gutom na gutom. Malapit na syang mawalan ng malay sa pagod at gutom. Gamit ang huling posyento ng kanyang kapangyarihan, sinabi nya sa kawalan, “Gutom na ko….”

Sa isang iglap, may lumabas na diwata. Hindi makapaniwala ang taong gutom. Totoo ba to? Nananaginip ba ako? O dala lang ito ng labis na gutom?

Nagsalita ang diwata.

Huh? Ano daw?

Nagsasalita pa rin sya.

Hindi ko maintindihan. Gutom lang ba to o umiinglish sya?

Huminto ang diwata sa pagsasalita. Nakangiti ito, tila hinihintay ang sagot ng taong gutom. Ngunit tulala ang taong gutom dahil wala syang naintindihan sa mahabang speech ng diwata.

Matagal silang nagtitigan.

Teka medyo awkward na to. Kailangang maputol ang tensyon. Ah! Alam ko na. Tatawa nalang ako.

Tumawa ang taong gutom upang mabawasan ang tensyon. Napikon ang diwata at ginawa syang kalabasa.

INOM PA!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s